FFW-slideshow
MESSAGE
Ceremonial Launching of the Guidelines on the Conduct of the DOLE,DILG,DND,DOJ, AFP & PNP Relative to the Exercise of the Workers' Rights & Activities
Ni  Atty. Sonny G. Matula, President of the Federation of Free Workers (FFW) [1]

Isang karangalan na makasama kayo ngayong umaga sa paglagda ng Mga Panuntunan sa mga karapatan at kilos patungkol sa Freedom of Association, lalo sa patakaran at alituntunin para sa Sandatahang Lakas ng Pilinas sa pagkakataong di nagkakasundo ang kapitalista at mga manggagawa o may nangyayaring labor disputes. Ang layunin ng Panuntunang ito ay para patibayin ang pagkilala sa Kalayaan na mag-organisa ng unyon at sa karapatang kolektibong makipagtawaran o collective bargaining negotiation ang mga manggagawa sa mga may-ari ng mga paggawaan o tanggapan.

Nagagalak ang aking mga kasamahan sa Federation of Free Workers (FFW) sapagkat sa tulong ng tripartite partners at ng International Labor Organization (ILO) ay nabuo na natin ang mga Panuntunang ito. Salamat at nilagdaan na po ng iba’t  ibang ahensya ng pamahalaan na kasangkot o may mahalagang papel sa pagpapatupad nito, ang Panuntunang ito. Aktibong kalahok at saksi ang mga pinuno ng samahang manggagawa at mga employer sa prosesong pinagdaanan nito.

Noong isang taon ay inireklamo ng FFW sa ILO at sa TIPC ang pakikialam ng militar sa certification election sa San Roque Metals Inc., sa Tubay, Agusan del Norte. Ang CE ay isang gawain ng manggagawa na di dapat pakialaman ng employer at lalo't higit ng militar at kapulisan. Bunsod nito ay aming hiningi na magkaroon ng AFP Guidelines on Labor Disputes. Nirekomenda rin ito ng ILO Mission upang maitaguyod ang pagrespeto sa Freedom of Association (FOA) sa Pilipinas.

Isa sa pinakaimportanteng talata nito ay ang pagkilala na ang FOA ay pawang karapatan ng manggagawa, maging ng mga employers at ng iba’t ibang sektor sa lipunan na nais i-organisa ang kanilang hanay. 

Gayunpaman, mas mahalaga sa palagay ko na bigyan natin ng diin ang karapatan sa pag-oorganisa ng manggagawa. Sabi nga ni dating Pangulong Ramon Magsaysay, “those who have less in life must have more in law”.

Lumagda na po ang Pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa Panuntunang ito. Ito ay makasaysayang hakbang tungo sa ganap pagkilala na ang karapatang mag-organisa ng unyon, asosasyon at societies ay pinoprotektahan ng ating kasalukuyang Saligang Batas, maging ng mga nakalipas pang Konstitusyon noong 1899, 1935 at 1973. 

Samakatuwid, bago pa maipasa ang ILO Convention 87 noong 1948, at ang Convetion 98 sa kasunod na taon, na kapwa hinggil sa FOA, kinilala na ito ng ating Saligang Batas ng 1899 at 1935. Nauna pa tayo sa ILO sa pagkilala sa karapatang mag-organisa ng manggagawa.

Alam natin na noong Panahon ng Pananakop ng Kastila, krimen ang turing sa pag-uunyon. Ayon sa Article 543 ng Spanish Penal Code:

“Those who combine to increase or decrease the price of labor or regulate its conditions abusively shall be punished, provided the combination has begun to be exercised, with arresto mayor.” [2]

(Arresto mayor ay pagkulong ng di iikli sa isang buwan at isang araw at di hihigit sa anim na buwan.)

Higit sandaang taon na ang nakalilipas nang huling ipagbawal ang pagtatayo ng unyon. Ngayon, ibayong ipinagbabawal naman ang sagkaan ang pagtatayo ng unyon!

Sinasabi sa ikatlong Artikulo, ika-8 seksyon ng ating kasalukuyang Saligang Batas na:

“The right of the people, xxx, to form unions, associations or societies for purposes not contrary to law shall not be abridged.”

Maraming ma-dramang kwento sa tunay na buhay ang probisyong ito.
Una, may mainit na debate sina Claro M. Recto at Jose P. Laurel sa 1934 Constitutional Convention bago ito ipinasa sa plenaryo ng naturang Kumbensyon.

Ikalawa, maraming kasapi ng FFW ang nawalan ng trabaho dahil sa ipinaglalaban nila ito. Yung aming mga lider sa University of San Agustin Employees Union sa Iloilo ay tinanggal ng mga pari bago pa man naging final and executory ang desisyon ng Court of Appeals sa kanilang sinasabing illegal strike, na bahagi ng kanilang pag exercise ng kanilang karapatang mag-organisa at magsagawa ng sama-samang pagkilos. 

Pangatlo, mayroon ding kompaniya tulad ng Interphil Laboratories sa Laguna, na ang presidente ay alumnus ng nasabi ring University, na maski na may final and executory decision na ang Korte Suprema sa isang illegal strike-- dahil sa kanyang generosity sa mga manggagawa at pagkilala niya sa Freedom of Association--wala siyang ni isang opisyal ng unyon na tinanggal. Take note, ito ay sa kabila ng utos ng Korte Suprema na maaaring tanggalin na ang mga opisyal ng unyon
.
Ang probisyon ng Freedom of Association ay di inilagay sa Konstitusyon para gawing palamuti lamang. Kaya sa Federation of Free Workers, kinikilala namin ang karapatang ito. Ang aming mga kawani ay may unyon at may CBA with FFW. May unyon kami sa loob ng aming unyon!

So at this point, I respectfully challenge the AFP leadership to recognize the union of the workers in the Armed Forces and Police Savings and Loans Association Inc. (AFPSLAI). I understand that AFPSLAI is a separate juridical entity from the AFP but the Chief of Staff is the Chair of said institution--who is the top leader of AFPSLAI.

For the past 20 years, the AFPSLAI Employees Association (AEA) has been there representing the workers of APFSLAI. But, in the last two years, there has been a deliberate attempt on the part of the management to destroy the union.

A reasonable mind will see that a notice of strike and a picket during lunch break do not constitute an illegal strike! 

Yet the union leaders were charged by AFPSLAI management with an illegal strike -- which was dismissed by the NLRC but was reversed by the CA and now, at the instance of the union, subject to a motion for reconsideration.

The school year is opening. The sons and daughters of the officers of the union are also suffering as a result of this union busting activity. Marami sa kanila ay walang pambayad ng tuition o pambili ng gamit sa  ekwelahan.

Their parents were terminated for the alleged illegal strike. I was informed that some of these children are also sons and daughters or relatives of military officers or men and women in active service. 

Tinutulungan natin ang mga NPA and MILF sa bundok para magbago at gumanda ang buhay. Hindi ba natin dapat tulungan rin ang ating mga kababayang kapit bahay lang natin?

With candor and due respect, the FFW urges the Chief of Staff to take cognizance of this labor dispute and, as chairman of AFPSLAI, use his direct and residual powers to intervene and resolve the issues at hand. The workers beseech his direct hand to amicably settle the dispute as a good father of the AFP and AFPSLAI.

The union of AFPSLAI and its members are having a picket downstairs. We support their cause.

Ang Panuntunan na ating nilagdaan ay mananatiling papel lamang kundi natin ito isasabuhay. Malaya nating ipinahayag at ipinangako na atin itong ipatutupad, kasama ang lahat ng prinsipyong kinakatawan nito. 

Simulan na natin ang pagpapatupad nito at ang sinumpaan nating tungkulin na itataguyod at ipagtatanggol ang Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas sa lahat ng pagkakataon. 

Mabuhay ang manggagawang Pilipino!

Mabuhay ang karapatang mag-organisa!

Mabuhay ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas!

Mabuhay ang sambayanang Pilipino!


[1] Message of FFW President Sonny Matula on the occasion of the Ceremonial Launching of the Guidelines on the Conduct of the DOLE,DILG,DND,DOJ, AFP & PNP Relative to the Exercise of the Workers' Rights & Activities at Bayleaf Hotel on May 7, 2012.
[2] William H. Scott, “The First Filipino Union” in Bezalie Bautista Uc-Kung compiled book “The Great Scott!” (New Day: 2006), page 397.

FREE WORKERS

FREE WORKERS

Trade Federation
Trade Federation
Trade Federation
Trade Federation
Trade Federation
Trade Federation
Trade Federation
Trade Federation